
Tile Farm Story - Matching Game
Ang Farm Story ay isang kapana-panabik na adventure game na magbibigay sa utak mo ng hamon na hindi mo mabibitawan! Ang tile collecting game na ito ay bagong bersyon ng karaniwang patakaran ng Mahjong na susubok sa galing mo bilang puzzle Master! Ang daan-daang nakakabighaning level, ang kamangha-manghang kuwento ng magkapatid na Stone at ang magagandang lugar na bibisitahin mo ay makakatulong sa iyong mag-relax at sanayin ang utak mo sa paglutas ng napakaraming puzzle sa larong ito. Hindi mo mamamalayan ang paglipas ng oras!
Hindi napapagod ang magkapatid na Stone at handa silang tumulong sa kahit anong farm at nature reserve na nangangailangan, saan man ito. Bisitahin ang Africa, China, South America at North Pole - naghihintay sa iyo saanman ang mga hindi malilimutang adventure at bagong pagkikita! Sa bawat paglalaro, sosorpresahin ka ng laro ng bagong puzzle, makulay na lugar o bagong liko ng kuwento.
Bahagi ng pamilya ng mga laro ng FRVR, na nilalaro ng milyon-milyong tao sa buong mundo buwan-buwan.